Friday, October 07, 2005
kamusta?
paumanhin sa aking mga tagasubaybay (kung meron man) dahil sa pabugso bugsong updates ko dito sa aking blog. sadyang ngayon lamang ako nakahinga ng maluwag sa aking trabaho.ano nga bang mga nangyari?
nangibang bansa ang aking kabiyak at bumalik na rin galing japan.
nangibang kumpanya na rin ang aking kaisa isang kagrupo at puno na si bede.
nagbasakali sa ibang kumpanya, natanggap at nagpasyang huwag muna ituloy ang paglipat.
masaya naman ako sa aking desisyon.
malaki na si sam. nagkasakit. gumaling. sanay na magbasa ng maiikling kwento. sanay ng magbilang ng 1 to 109.
sinubukang mag no carb diet. tumagal ang dalawang linggo. nabawasan ng dalawang kilo. ngayon balik na naman. hehehe
nag apply ng clearance sa UP. hindi diploma. hindi rin transcript. clearance pa lang po.
nahumaling sa pinoy big brother.
yun lang. mahirap ng bigyan ng detalye dahil ilang linggo na rin naman ang lumipas. madaming nangyari. madaming biyaya. madaming desisyon. madaming natutunan. madaming dahilan para maging masaya.
masarap mabuhay.
babyburn at 3:05 PM