Wednesday, July 21, 2004

ikaw pala

sino ba naman ang mag aakala na ikaw pala... ikaw pala na payatot at tibak na tibak... ikaw na masungit at parang matandang binata... ikaw na striktong nagbabantayat nagpapaalis sa ECR... ikaw pala... ang magiging pinakaimportanteng tao sa buhay ko...


sino ba naman ang mag aakala na dahil sa isang SM City sale ay makikita kita "in a different light." mantakin mo yon...sweet ka pala. masarap kausap. hindi masungit at lalong hindi parang matandang binata. at higit sa lahat gets mo ko. gets mo? sabi nga sa philo1 we have the same language game.


parang kapag kasama kita pwede kong mag mura...pwedeng umutot...o kaya tumahimik na lang basta...galing mo nga eh...you bring out the me in me...


tapos yun na...with you everything feels right...effortless and free flowing.


kaya nga pag may friend ako na hurt in love...sinasabi ko parati...kung sya na yun...everything will fall into place...naturally...walang complications...


hindi ako naniniwala sa soulmates the way other people define it...na parang hindi sila nag aaway,iisa ng paborito, iisa ng pag iisip. more often than not magkaiba pa nga tayo ng point of view pero if a soul mate is defined as someone who complements you and your soul...someone who does not necessarily have to think like you but respects how you think...baka maniwala pa ko...kasi alam kong ikaw yon.


Ikaw na nga si Mr. Right (for me). 
  
Tangina ang mushy.   
 



babyburn at 3:39 PM

1comments

1 Comments

at 7:12 PM Blogger runawayangel said...

mush makes us breathe. miss you mare!

 

Post a Comment