Wednesday, November 10, 2004
logtu
pilit na ibubuka ang matang nagmamakaawang sampung minuto pang pagsara
bawat hibla ng laman ay nag aalburuto
sa bwiset na tunog ng alarm clock ko
maya maya sa fx ang pag asa
katuparan ng paghimbing na naudlot
itutuloy ang panaginip ko kanina
sa upuang mabaho't malambot
pagdating sa opisina'y pilit kang kakalimutan
sandata ko'y kape at garlic flavor na nagaraya
galit galit muna, dedma muna sa 'yo
maya maya lang naman ay magkikita ulit tayo
ba't nakakaadik ka? di nakakasawa
can't get enough of you, ika nga
o sya, hanggang mamaya
see you ulit sa fx o sa kama kaya
babyburn at 1:36 PM
1 Comments
- at 11:49 AM jajajanice! said...
ang kewl berns!!!!!!
makata ka pala!
i think laurel leaves look good on ya!
chozzz!
