Thursday, January 13, 2005

awkward nga eh!

alas syete na. galing ka ng opis. pagod ka na. antok. gutom.

maswerteng nakasakay ka kaagad sa bus sa edsa.

naghahanap ka ng mauupuan. biglang may makikita kang mukhang parang...pamilyar. iniisip mo kung sino.

hindi mo makita ang buo nyang mukha dahil nakadungaw sya sa bintana o kaya'y nagtetext.

ah! alam mo na. ang dati mong opismeyt na si joan. si joan na hindi mo naman kaaway pero hindi mo rin ka-close. simpleng opismeyt. ganun lang.

nakita mong nag-iisa sya. walang katabi. tatabi ka ba? shempre hinde.

awkward e.

nang haharap na sya sa kinatatayuan mo, biglang bibilis ang lakad mo.
kunwaring nakatingin sa malayo. sa dulong upuan. kunwari busy. kunwari hindi mo
sya nakita.

awkward e.

mas nanaisin mo pang matulog na lang kesa makipagkwentuhan tungkol sa mga dating kakilala o mga dating tsismis kaya. sarap yatang matulog sa aircon bus. mas gugustuhin mo pang ngang bumili at magkukot ng limang pisong mani kesa makipagkamustahan.

mahirap na. baka hindi pa sya nagbabayad. nagmahal pa naman ang pamasahe ngayon.

at isa pa... awkward nga e.

...

halos pitong taon mo na silang hindi nakikita. ganun na kasi katagal mula ng gumradweyt kayo. at ngayon reunion nyo na.

isa-isa na silang nagdatingan sa napagkasunduang lugar.

beso beso. kamustahan.

kanya kanyang "O musta!?". hindi mo nga alam kung declarative
sentence ba yun o interrogative kasi wala namang sumasagot at kung tutuusin hindi mo rin alam kung sino talaga ang tinatanong kung nagtatanong man.

lahat nakangiti. kodakan na sa mga may dalang kamera.

bigla kang tinanong ng dati mong sitmeyt.
"o jonalyn kamusta ka na? san ka na ngayon? dun ka pa rin ba sa dati?"

dali dali kang naghanap ng sagot sa hawak mong bottomless iced, pinagmumuni-munihan kung sasabihin mong naretrench ka.

"ah ok lang ako...oo dun pa rin sa... yan na pala yung inorder natin! ayos!!"

laking pasamat mo. hindi dahil gutom ka na at dumating na ang masarap na pagkain kundi himalang nakaiwas ka sa milyon dalar kwestion/s.

awkward e.

nakaisip ka ng strategy. ikaw na lang ang babangka sa kwentuhan. ikaw na lang ang magtatanong. likas na gusto naman ng tao na maging bida di ba? kunwari sobrang namiss mo sila kaya nagtanong ka ng nagtanong. ultimong mga anak ng aso nila kinamusta mo kung ilan na.

hay sa wakas. dessert. medyo napagod ka na rin sa kakatanong mo sa kung sino sino. nang bigla kang nilapitan ka ng dati mong crush. si uly. si ulysses na kamukha ni rudolf yaptinchay.

"huy jonalyn! kamusta ka na? san ka na ngayon? dun ka pa rin ba sa dati"

nak ng! awkward nga eh...

bat ganun? pagnakikita mo si ex. o yung ex ni ex. o yung dati mong pinagkakautangan na hindi mo matandaan kung nabayaran mo nga. o yung hiniraman mo ng libro na hindi mo pa naisosoli. pati yung dati mong binibilhan ng prepaid na hindi mo na binibilhan ngayon kasi mahal pala sa kanya ng kinse pesos. lalo na yung tyahin mong madalas kang tanungin kung may boyfriend ka na. o yung dati mong titser sa grade 5 na pinagalitan ka dahil parati ka nakadungaw sa bintana sa oras ng klase. kahit yung bestpren mo dati na hindi mo na bestpren ngayon. o yung dati mong groupmyet na boss mo na ngayon. bakit kapag nakikita mo sila otomatik na kukunin mo yung celphone mo kahit wala namang message at titingnan mo lang yung address book mo? o kaya'y biglang may maiisipan kang hanapin sa bag mo kahit na alam mo naman na wala. haaay... bat ganun???

ang awkward!!! pati nga spelling ng awkward awkward eh!

hirap ng bored

babyburn at 4:36 PM

3comments

3 Comments

at 11:15 AM Blogger jajajanice! said...

Nice read! Sobrang totoo!

Astiiggggg!!!!

 
at 12:59 PM Blogger babyburn said...

shet di pala ko nag iisa! hehehe

salamat janice and mokong...

 
at 11:05 AM Blogger babyburn said...

Hey Chegay, I read it na sa egroups.
Grabe!!! hehehe...

 

Post a Comment