Friday, February 18, 2005
magda drive ako hanggang buwan
Mag iisang taon na kong may Student's License pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay magdrive.O sige. Sanay akong mag start. Primera. Tapak sa clutch. Tapak sa gas. Timpla ng konti. Abante. Bitaw sa clutch.Pero mhen!!! Hanggang ngayon kapag may kasalubong ako sa daan natataranta pa rin ako. Ayoko ng mga kanto. Ayoko ng mga likuan. Ayoko ng may tumatawid. At hanggang ngayon hindi ko pa rin naiilabas ang lekat na auto sa garahe.Gusto yung parang sa Daytona. Yung may pipindutin kang Turbo para bumilis saka missile kung gusto mo pasabugin yung nasa harap mo.Langya. Nag enroll naman ako sa Matute Driving Institute. Nun ngang mga panahong yun pakiramdam ko ang galing ko na eh. Kasi umabot na ko sa 4th gear. Pero shet...8 months ago na yun ah! Ba't ganun???
Bata pa lang ako pangarap ko na magdrive. Naalala ko pa nga pag nakikipark si Ninong sa garahe, pag wala ng nakakakita, papasok na ko sa kotse at magpepretend na sanay akong mag drive. Sarap ng feeling eh.
Pero shet mhen! Ba't ganun? Wala pa ring nangyayari. Mas enjoy pa rin ako sa passenger seat. Kala ko pa naman tough chick ako. Buti pa si Tec, o si Janice...eh si Minmin nga eh?! Huwat is wrong with mee!!!
babyburn at 6:34 PM
9 Comments
- at 7:40 PM min said...
ipagpatuloy lang ang magandang simulain, di mo mamamalayan lampas ka na ng buwan! ;) malay mo makapagkarerahan ka pa kina joko pagdating ng araw, o di ba?!
- at 11:50 PM tec said...
kaya mo yan! sus, kaw pa! si super mommy! alam mo, para mas madalian ka, bili uli kayo bagong kotse! ngayon naman, automatic. para madali mag-aral! wahehehehehe.
- at 9:08 AM Jovan Puyo said...
Madali lang 'yan! Ang kailangan lang palagi ay buo ang iyong loob.
- at 9:45 AM babyburn said...
Taos pusong pasasalamat sa inyong walang humpay na moral support. Pasasaan nga ba't matututo rin ang inyong abang lingkod. Kita kits na lang tayo sa daan...
hehehe- at 4:04 PM jajajanice! said...
ang pagda-drive, parang lover, kelangan pakiramdamang mabuti, kelangan pag-aralan bawat sulok, kabisado bawat 'quirks'. at iyan ay hindi nangyayari overnight. kelangan ng puspusang pagtyatyaga at pasensha. kelangan din ng malaking porsyento ng bravery. ang pagda-drive, parang lover, laging may risk. ;-)
- at 4:59 PM babyburn said...
hanep sa analogy jajajanice ah!
malamang ay sa yo nagmula ang mga katagang...
"basta driver, sweet lover"- at 7:30 PM Jack said...
janice...grabe kahanga hanga ang iyong pagpayo!!! nakaka-inspired tuloy mag aral mag drive parang matututo ka pati sa relasyon.
- at 9:30 AM jajajanice! said...
hehehe, maraming salamat sa papuri JACK. ;-) ito talaga ang nangyayari pag maghapon kang nagpre-pretend na nagtratrabaho ka.. :D
BERNI! Naway makita kita ulet sa paseo center! SOSYAL! :D at sana'y makapagdrive ka na para maging sweet lover ka na rin! (nyak! ang labo! basta lang may masabe!)- at 10:50 AM babyburn said...
Jajanice, kalimitan ay byernes ako nadadako sa bandang yaon sapagkat tinutunghayan ko ang mga bagong paninda sa walang kakupaskupas nyong tyangge. Naway sa susunod nating pagdadaupang palad ay maipakilala mo na ko kay protein shake...hehehe
