Tuesday, February 22, 2005

Minsan Lang Sila Bata


Tamo nga naman. Parang kelan lang eh sumisipa pa tong si Sam sa tyan ko. Ngayon kaming tatlo na ang nagsisipaan at nagkukulitan. Hindi ka man lang mainip.

Napapaalalahanan ako gabi gabi kung gaano na kaisip ang musmos na ito sa twing sya'y magdarasal. Parati kong tinutunghayan kung ano ang sasabihin nya. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung talagang beybi pa nga ba sya...

Nung isang gabing nanood kami ng MMK, yung episode na tungkol sa magkapatid, isang walang paa't kamay at yung isang tagabuhat ng kapatid naman ang papel. Sa kanyang pagdarasal...

S: Thank you po Jesus kasi may feet po ako saka po may hands...saka po may nose...

Nung minsan namang gabi na kami umuwi ni Jay at sabik na sabik sya sa paghihintay.

S: Thank you po Jesus kasi po masaya po ako kasi po dumating na po si Mommy saka si Daddy.

Nung may exam sya kinabukasan...

S: Jesus sana po makasagot po ako ng tama. Sana po magbayad na si Mommy sa school.

Nakalimutan ko kasi na deadline na pala ng tuition nila. Natawa ako. Kasi yung mga bagay na ganun
ay pinoproblema pala nya.

Marami pa syang dasal na hindi ko na matandaan pero natataandaan kong natuwa ako. Sa totoo lang,
mas magaling pa syang magdasal sa kin. Kaya nga pag merong may sakit o hiling na gusto ko sya yung pinagdadasal ko.

Nakakatawa. Kasi tinatawag ko syang Baby pero minsan titingnan ko sya ng matagal. Pagmamasdan ang
kanyang mga kilos. Kung pano nya paghanda ng pagkain yung Daddy nya. Kung pano nya kami paalalahanan na uminom ng gamot. Ang laki na pala nya.

Di maglalaon. Lalaki pa sya lalo. Magiging mature. Mag-iiba. Magkakaron ng mga kabarkada. Magiging abala sa sarili nyang mundo. Baka hindi ko na marinig yung mga nakakatuwa nyang dasal. Pero ok lang.

Dahil masaya ako ngayon.



* Photo taken from Caryan

babyburn at 5:32 PM

5comments

5 Comments

at 9:35 PM Blogger min said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
at 9:58 PM Blogger min said...

blogs (actually, everything) about sam are always touching and heartwarming... always gets me teary-eyed... haay :)

 
at 1:09 AM Blogger tec said...

sa kwento mo, naalala ko yung commercial ng tide na yung nanay tawag ng tawag ng "baby" sa anak nyang lalake.

sam is growing!!!! tapos sa susunod nating pagkikita, dalaga na si sam.

ei, sir eug has a new baby na pala. nanganak nung linggo. at si joko on the way na rin. lalaki ata sila pareho, di ko sure.

 
at 9:33 AM Blogger jajajanice! said...

malaking bulas na talaga si sam... sana lumaki shang marangal at shempre maganda para madameng suitors. hehe. ang ganda ng picture. sinaunang sinauna!

 
at 2:35 PM Blogger runawayangel said...

iba talaga ang bilis ng pagdaan ng panahon. malaki na si sam. parang kelan lang hinihingi niya yung chocolait ko sa opisina.
sana masundan na rin siya. ;)

 

Post a Comment