Thursday, April 14, 2005

amoy amoy amoy

bakit ang baho ng mga lalake?

o sige sige...sweeping generalization. pero why? oh why?
do some men stink like sukang paombong especially at the
end of a work day?

hindi na yata mabilang ang mga pagkakataon na may nakakasabay
akong lalaki sa mrt na talaga namaaaaang umaalingasaw ang baho!
as in!! hindi anghit eh. oo, hindi yung amoy ng sinigang na baboy sa
bayabas kundi yung kakaibang asim na may halong init at lagkit!
ang masama pa non kapag pumasok na sa isang enclosed area tulad ng mrt
ang mga nilalang na ito, good luck na lang. sanay makaya mong
huminga sa bibig hanggang sa makarating ka sa destinasyon mo.
umasa kang mag uumapaw sa buong sangka-mrt-han ang kakaiba nyang agimat.
kaya naman sa dalas kong makasabay ng mga Mr. Personality-ng ito,
nadevelop sa kin ang kakaibang skill na paghinga sa bibig sa unang
hudyat ng hanging kakaiba.

mabuti ng mabuti kung hindi mo sya makakatabi. kapag talagang minamalas,
makaka-kiskisang braso mo pa sya at hindi maiiwasang mabahiran ng
mainit at malagkit na pawis ang braso mo. shet na malagkit talaga.

so??? bakit ba??? ganun na ba kahirap ang buhay at hindi sila makabili ng
deodorant??? be considerate namaaan! ang hirap yata magpigil ng hininga no!
i know, i know. hindi nyo naman gusto yan. pero mhen!! hay!

eh kung magbaon kaya kayo ng damit tapos magpalit kayo bago umuwi? tapos yung
madumi nyong damit ilagay nyo sa isang airtight bag para hindi umalingasaw.
eh kung mag powder kaya kayo? para amoy beybi...hehehe... saka wag na kasi
kayo magsusuot ng maiinit na damit tulad ng silk...hehehe.

i'm just trying to help you know. para sa inyo din naman yan. sa mga loved ones nyo.
ba! hindi biro ang yumakap sa taong maasim ah! matinding powers ang kakailanganin.

what an enticing entry for a come back. hehehe.

babyburn at 4:24 PM

3comments

3 Comments

at 9:52 AM Blogger min said...

hahaha, berni! ramdam ko ang matinding emosyon :P

 
at 3:28 PM Blogger runawayangel said...

sabi ng seatmate ko dito sa office, lumalabas ang natural scent ng mga tao pag galit sila. baka galit sila ng mga panahong yun berns kaya sila mababaho! hehehe

 
at 7:54 AM Blogger babyburn said...

hi min!

hahaha, kat! ok sa reason ah! buti na lang happy people tayo! hehehe

 

Post a Comment