Wednesday, April 20, 2005

si edgar

"d ba't sinabi mo sa kin dati
na mahirap kumain ng chocolate
natunaw at parang wala ng korte
kadiri na kainin mukha ng tae.."

nakakatawa pero ang mga kanta ng parokya ang pinapakinggan ko kapag gusto ko mag reminisce
ng college o kaya ng absi days o kaya gusto kong maalala yung ilang mga partikular na tao o
kaya gusto ko lang maging masaya. mababaw lang mga kanta nila pero ika nga eh, "hits close to home". siguro kasi mababaw na tao lang ako. kumbaga sa "comfort food", mga kanta ng parokya ang "comfort music" ko.

siguro kase simple lang ang mga mensahe nila kung mensahe nga bang matatawag ang mga yon.
sino ba naman ang mag aakalang pwede ka palang lumikha ng kanta tungkol sa siopao? o sa picha pie? o sa chocolateng nalusaw? pati sa cobra bird o kay mr. chucky dreyfus?

kaya nga ang mga parokya hits ang default playlist namin ni mokong pagwala kaming mapakinggan. dahil siguradong sasaya na naman kami. babalik sa college days. bibirit. magwawala. kikiligin. tatawa. tatawa. tatawa.

kaya nga pag tambak ang trabaho, magkukulong na ko sa sarili kong mundo. malalaking headphones sa tenga. ang parokya playlist. and code away na...

mahilig ako sa jazz, sa classics, sa beatles, sa rnb pero pag gusto kong maging bata ulit kung
san ang pagiging simple at totoo lang ang mahalaga, eh di parokya na.

ahm..di ko alam kung pano tatapusin yung blog kaya ganito na lang bigla na lang mawawala...

babyburn at 11:48 AM

0comments

0 Comments

Post a Comment