Monday, May 30, 2005

mahirap magmaintain ng blog

mahirap talaga magmaintain ng blog. nanjang pakiramdam mo wala namang kalathalatha sa mga kaganapan sa buhay mo. nanjang santambak ang trabaho tulad ng e-mail checking at
blog hopping wala ka na tuloy oras sa pagba-blog. at shempre kung minsan, este kadalasan, tinatamad ka lang. masaya ka na sa pagbabasa ng mga adventures at misadventures ng iba.

kung tutuusin kasi, umiikot lang naman sa tatlong lugar ang buhay ko. sa opis, sa bahay at sa bus. 'stig di ba? living life to the fullest talaga ako. hehehe. hindi ako nagrereklamo ha. kung tatanungin nga ako ni Kris Aquino sa GKNB ng kanyang standard question na, "Are you happy?" Walang kakurap kurap na VERY!!! ang isasagot ko. kanya kanya lang sigurong diskarte sa buhay yan. Kanya kanyang timpla. Parang kape. ang gusto ko yung madaming kape, konting cream at mas konting asukal.

sino ba naman ang mag-aakala na mahilig akong gumimik dati? gimik with a big letter E as in Effort. yung tipong aabutin ka ng dalawang oras sa salamin at umaalingasaw ang buong kabahayan sa tindi ng pabango mo. natatandaan ko nga yung mga night outs ko with the girls. yung mag iipon ka talaga parang lang makagimik sa gabi. kahit magtaxi ok lang. kahit siksikan sa bar. kahit puro Earth Wind and Fire naman ang kinakanta ng mga banda. kahit na parehong kaliwa ang paa, sige lang. sayaw. being in the Scene ika nga. kahit ayaw man namin aminin o hindi isa lang naman ang dahilan kung bakit namin ginagawa yon. BF. Shota. Shuting. Papa. S.O. Boylet. Haaaay ang hirap ng single. Actually. single and confused. nakakapagod!

nakakatawa na nung dati sa kagustuhan kong maging demure ay hindi talaga ako nagsalita sa isang buong date! ayun napanisan na ako ng laway. na-bore pa yung ka date ko. kasi naman! ayaw magpakatotoo.

haaay. moral of the stories, you will always go back to the basics. self. family. home. God. Yung tipong masayang masaya na ko pag kumakain kami sa jollibee, o naglalaro ng jengga, o nanonood ng Yes Yes Show.

mahirap talaga magmaintain ng blog. mapipilitan kang balikan yung mga nakalimutan mo na para lang may maisulat.

babyburn at 6:05 PM

2comments

2 Comments

at 8:29 AM Blogger runawayangel said...

tsk tsk...

 
at 10:17 PM Blogger Kaye Limlingan said...

true!
mahirap mag-maintain ng blog.
ang daming distractions kahit na ang dami mong gustong isulat. ang bad trip naman sa amin, blocked na sa opis ang blog server ko. gusto ko mang lumipat eh baka ma-block na naman. mahuli pa ako :P
miss ko na din yung mga girls night out natin. nakaka-miss ang college days. ang simple-simple lng ng buhay nood. pasok sa school, magpapanggap na nag-aaral, gimik-gimik, pa-kyut... hay... ang sara- balik-balikan. :)

 

Post a Comment