Tuesday, June 07, 2005

first day funk

nakakaexcite talaga ang first day of classes lalo na pag elem.

birperas pa lang ng pasukan, aayusin mo na yung bag mo. ilalagay lahat ng libro at notebook mo sa bago mong bag pati na oslo, crayola, art paper, orion ruler, long brown envelope at formal theme notebook, pati na rin yung gunting na tinitiklop at kapote. kahit na alam na alam mo na hindi naman gagamitin yun lahat sa unang araw dadalin mo pa rin.

di lang yon. ihahanay mo rin yung isusuot mo kinabukasan. bagong uniform na medyo matigas tigas pa na parang inarmirol (inarmirol - nilubog mainit na tubig na may gawgaw, sa mga hindi nakakaalam). medyas, panty, sapatos, panyo, cologne. handang handa. kulang na lang ay matulog ka na suot na ang mga yon para papasok ka na lang kinabukasan.

syempre hindi pahuhuli yung baon mong goldilocks mamon saka chocolite na nilagay mo sa freezer para malamig pa rin kahit sa oras ng recess.

hindi ko mapigil na hindi maalala ang mga ito habang hinahanda ko ang mga gamit ni sam nung Linggo. nakakatuwa pala. papasok din kasi sya sa skul ko dati. magsusuot din ng uniform na sinuot ko dati. baka umupo pa sa inupuan ko dati. baka kaya maging titser pa nya yung mga naging titser ko?!

habang pinaplantsa ko nga yung uniform nya, naisip ko na dati, sa ganun ding oras, sa ganun ding lugar ay pinaplantsa ko din ang royal blue at white na uniform ko. hay. ang tanda ko na.

sana mag-enjoy din sya kung panong nag-enjoy ako. alam ko mag-eenjoy sya.

umiral na naman ang pagiging protective parents namin ni jay. panay paalala...

"o sam, wag kang masungit ha?"
"sasagot ka sa teacher mo ha?"
"sam, ok lang magkamali."
"baby, wag ka mahihiya ah."
"mag iingat ka."

at higit sa lahat

"sam...do the first day funk ah!"

babyburn at 4:13 PM

0comments

0 Comments

Post a Comment