Thursday, August 11, 2005

malamig

alas seis y media na. uwian na naman. nak ng tokwa naman o. malakas na naman ang ulan.

kapag yata tumatanda ka hindi ka na natutuwa sa ulan.

nung bata pa ko masaya ko pag umuulan kasi walang pasok o kaya maglalaro kami sa ulan ng mga kalaro ko o kaya matutulog na lang o gagawa ng bangkang papel saka magkakarera sa kanal o magluluto yung nanay ko ng tsampurado... basta ang daming masasayang pwedeng gawin.

eh ngayon...

kapag umuulan ang naiisip ko kaagad ay trapik o yung mahabang pila sa fx o yung pagsugod ko sa ulan kasi hindi ako nagdadala ng payong.

ewan ko ba. hindi talaga ako mapagdala ng payong. siguro kasi feeling ko swerte ako at hindi aabutan ng ulan o kung abutan man, nasa loob na ko ng sasakyan. at hanggang ngayon palihim pa rin akong humihiling na sana somewhere out there ay may nag aalala kung mababasa ako at sunduin ako. nagbabakasakali baga. pero sadyang mailap ang tadhana. no such luck ika nga...

ayan nagiging pathetic na naman ako. o sige na nga. makaalis na.

at ng makabili ng payong.

babyburn at 5:47 PM

5comments

5 Comments

at 6:14 PM Blogger Jack said...

back to life na naman si babyburn...yahhhooo!!!! namiss ko blog mo...alam mo naman na number 1 fan mo ako... ala akong mabasa dito sa ofc pag alang magawa... buti nalang bumalik na si babyburn...

keep posting babyburn...

 
at 8:54 AM Blogger babyburn said...

jack!!! hehehe

yep back from my long hiatus. hehehe.

salamat sa pag bisita!

 
at 6:39 PM Blogger bratinella said...

haha ako din di mo mapadala ng payong. problema ko lagi yan kapag kelangan sumakay na. hanap ng masilungan forever. bwahaha.

welcome back to the blogging world!

 
at 12:36 PM Blogger min said...

yikes, kabaligtaran naman ako, hahaha! feeling ko ipinanganak akong may kakambal na payong. ang una kong payong nung bata ako, si rageddy ann pa ang design hehehe.. tapos pag magp-practice kami ng communion sa parish malapit sa school namin pinapadala kami lagi ng payong

hay, ang payong.. bow...

 
at 11:38 AM Blogger babyburn said...

hi bratty! hi min!

parang nanay ko laging may dalang payong. takot umitim. hehehe.

 

Post a Comment