Friday, November 18, 2005

my ideal puppy

ano kaya't sumulat na lang ako ng blog? para lang alam mo yun? maiba. tutal hindi naman mauubos ang mga litanya ng trabaho. mangilan ilang linggo na rin naman akong
bilanggo ng kalokohang ito. sabi nga ni minmin, "tama na yang paputian na yan!"

kaya eto ko ngayon pinagmumunimunian kung alin ba sa mga kaganapan ng mga nakaraang linggo ang kablogblog. o 'di ba? bagong adjective?!

maliban sa trabaho na labis na kumain ng aking oras, pagod, dusa, hinagpis at sama ng tyan. ano pa nga ba ang mga nangyari?

hmm... parang gusto ko ng tuta. sa totoo lang dati ko pa gusto kaso gusto ko sana yung tuta na walang urethra saka walang pwet. hindi ko kasi talaga masikmura na maglinis ng mga mumunting sorpresang iniiwan nila eh. sayang. ano kaya ang magandang pangalan? bantay? oo bantay hango sa isang volume ng Gospel Comics na may storyang, Bantay, the noble dog.

nagkaron ba kayo ng Gospel Comics nung araw? Kung oo, malamang na malamang na kilala nyo rin si Gospy. Ok din yung mga komiks nung araw no? Yung happy komiks, universal at syempre pa, ang paborito ng lahat, funny komiks.

meron pa kaya non? nabasa nyo ba yung isang isyu na naghiganti yung mga manok sa baranggay nila Niknok dahil lahat ng bahay sa kanilang neighborhood ay nagpatayo na ng Litson Manok stand? Ganda nun. Suspense baga. Magsanib pwersa ba naman ang lahat ng manok.

eh yung naging hotdog sandwich yung lolo ni Little Pupung? hahaha. eh yung naging mangga si mang ambo?

sino kaya nakatuluyan ni Bing? Si Bang or si Bung?

eh yung Planet Op Di Eyps? Nakakamiss ang pag uungguyan nila Matsotso at Bardagol, ano?

hay. ah saya. kahit na hindi ko alam kung alam nyo ba yung mga pinagsasabi ko. hindi naman halatang jologs na ko bata pa lang di ba? malay ko ba sa mga DC, Marvel o Archie na yan.

hinding hindi ko pagpapalit yung mga pinoy komiks na hahawa yung tinta sa kamay mo tapos yung may kakaibang amoy at may maligasgas na papel.

may funny komiks pa kaya ngayon?

eniwey, nasan na nga ba tayo kanina? ayun! ano nga ba ang kablogblog na mga kaganapan? pero alam mo wag na lang. ok na to.

babyburn at 6:38 PM

3comments

3 Comments

at 7:32 AM Blogger min said...

may Gospel comics ako! :D gusto mo magbasa, may mga naitabi pa ko hehehe... eh ang panday? san nga bang komiks yun? lalabas na naman si victor neri sa telebisyon ;)

 
at 3:06 PM Blogger Topeng said...

nakikibasa lang po... combatron rules! ^__^

 
at 4:55 PM Blogger babyburn said...

gusto ko sana mens yung funny komiks e pero balita ko bumulusok na yata ng presyo nito sa pandaigdigang kalakalan...tsk...

aloha topeng...salamat sa pagbisita. =)

 

Post a Comment