Tuesday, February 22, 2005
Minsan Lang Sila Bata

Tamo nga naman. Parang kelan lang eh sumisipa pa tong si Sam sa tyan ko. Ngayon kaming tatlo na ang nagsisipaan at nagkukulitan. Hindi ka man lang mainip.
Napapaalalahanan ako gabi gabi kung gaano na kaisip ang musmos na ito sa twing sya'y magdarasal. Parati kong tinutunghayan kung ano ang sasabihin nya. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung talagang beybi pa nga ba sya...
Nung isang gabing nanood kami ng MMK, yung episode na tungkol sa magkapatid, isang walang paa't kamay at yung isang tagabuhat ng kapatid naman ang papel. Sa kanyang pagdarasal...
S: Thank you po Jesus kasi may feet po ako saka po may hands...saka po may nose...
Nung minsan namang gabi na kami umuwi ni Jay at sabik na sabik sya sa paghihintay.
S: Thank you po Jesus kasi po masaya po ako kasi po dumating na po si Mommy saka si Daddy.
Nung may exam sya kinabukasan...
S: Jesus sana po makasagot po ako ng tama. Sana po magbayad na si Mommy sa school.
Nakalimutan ko kasi na deadline na pala ng tuition nila. Natawa ako. Kasi yung mga bagay na ganun
ay pinoproblema pala nya.
Marami pa syang dasal na hindi ko na matandaan pero natataandaan kong natuwa ako. Sa totoo lang,
mas magaling pa syang magdasal sa kin. Kaya nga pag merong may sakit o hiling na gusto ko sya yung pinagdadasal ko.
Nakakatawa. Kasi tinatawag ko syang Baby pero minsan titingnan ko sya ng matagal. Pagmamasdan ang
kanyang mga kilos. Kung pano nya paghanda ng pagkain yung Daddy nya. Kung pano nya kami paalalahanan na uminom ng gamot. Ang laki na pala nya.
Di maglalaon. Lalaki pa sya lalo. Magiging mature. Mag-iiba. Magkakaron ng mga kabarkada. Magiging abala sa sarili nyang mundo. Baka hindi ko na marinig yung mga nakakatuwa nyang dasal. Pero ok lang.
Dahil masaya ako ngayon.
* Photo taken from Caryan
babyburn at 5:32 PM
Friday, February 18, 2005
magda drive ako hanggang buwan
Mag iisang taon na kong may Student's License pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay magdrive.O sige. Sanay akong mag start. Primera. Tapak sa clutch. Tapak sa gas. Timpla ng konti. Abante. Bitaw sa clutch.Pero mhen!!! Hanggang ngayon kapag may kasalubong ako sa daan natataranta pa rin ako. Ayoko ng mga kanto. Ayoko ng mga likuan. Ayoko ng may tumatawid. At hanggang ngayon hindi ko pa rin naiilabas ang lekat na auto sa garahe.Gusto yung parang sa Daytona. Yung may pipindutin kang Turbo para bumilis saka missile kung gusto mo pasabugin yung nasa harap mo.Langya. Nag enroll naman ako sa Matute Driving Institute. Nun ngang mga panahong yun pakiramdam ko ang galing ko na eh. Kasi umabot na ko sa 4th gear. Pero shet...8 months ago na yun ah! Ba't ganun???
Bata pa lang ako pangarap ko na magdrive. Naalala ko pa nga pag nakikipark si Ninong sa garahe, pag wala ng nakakakita, papasok na ko sa kotse at magpepretend na sanay akong mag drive. Sarap ng feeling eh.
Pero shet mhen! Ba't ganun? Wala pa ring nangyayari. Mas enjoy pa rin ako sa passenger seat. Kala ko pa naman tough chick ako. Buti pa si Tec, o si Janice...eh si Minmin nga eh?! Huwat is wrong with mee!!!
babyburn at 6:34 PM
Thursday, February 17, 2005
i want to be spoiled...babyburn at 9:53 AM