Friday, April 20, 2007

it always ends with a videoke session...


mga kaAvanza


mga Kapamilya


if there's one thing good about "company-hopping", it would be that one is able to collect real friends along the way.

i decide to look at my social fate from this angle instead of wallowing on the good byes.

yes, i have (once again) moved to a new stable. i haven't quite adjusted yet but i'm giving myself one more month before i get chummy with my good old friend Lina once again. i'm keeping my hopes high, though, i know happy days will come soon.

anyway, funny how this week turned out to be a week of rendezvous with groups of friends from different companies.

i tell you, it's just what i need. a warm welcome break from the cold almost chilling feeling from the new place.

i always look forward to these meetings whether they may be dinners (which they usually are) or office visits or just hanging out for coffee. it is during these times when you feel you have never left and these people, though you have not been seeing much of them lately, are still your friends.

for some reason, a despedida would always end up with a videoke session. well, for me at least. what is it with bonnie tyler's total eclipse of the heart and ronan keating's when you say nothing at all that kinda makes you feel like...yep... this is it...i'm moving on. and your friends answer you with Raymond Lauchengco's Farewell. talk about real life musical. :-)

i better go back to work...okay okay... acting like there is work. i am not ready for another videoke session just yet.

babyburn at 3:52 PM

4comments


Friday, November 18, 2005

my ideal puppy

ano kaya't sumulat na lang ako ng blog? para lang alam mo yun? maiba. tutal hindi naman mauubos ang mga litanya ng trabaho. mangilan ilang linggo na rin naman akong
bilanggo ng kalokohang ito. sabi nga ni minmin, "tama na yang paputian na yan!"

kaya eto ko ngayon pinagmumunimunian kung alin ba sa mga kaganapan ng mga nakaraang linggo ang kablogblog. o 'di ba? bagong adjective?!

maliban sa trabaho na labis na kumain ng aking oras, pagod, dusa, hinagpis at sama ng tyan. ano pa nga ba ang mga nangyari?

hmm... parang gusto ko ng tuta. sa totoo lang dati ko pa gusto kaso gusto ko sana yung tuta na walang urethra saka walang pwet. hindi ko kasi talaga masikmura na maglinis ng mga mumunting sorpresang iniiwan nila eh. sayang. ano kaya ang magandang pangalan? bantay? oo bantay hango sa isang volume ng Gospel Comics na may storyang, Bantay, the noble dog.

nagkaron ba kayo ng Gospel Comics nung araw? Kung oo, malamang na malamang na kilala nyo rin si Gospy. Ok din yung mga komiks nung araw no? Yung happy komiks, universal at syempre pa, ang paborito ng lahat, funny komiks.

meron pa kaya non? nabasa nyo ba yung isang isyu na naghiganti yung mga manok sa baranggay nila Niknok dahil lahat ng bahay sa kanilang neighborhood ay nagpatayo na ng Litson Manok stand? Ganda nun. Suspense baga. Magsanib pwersa ba naman ang lahat ng manok.

eh yung naging hotdog sandwich yung lolo ni Little Pupung? hahaha. eh yung naging mangga si mang ambo?

sino kaya nakatuluyan ni Bing? Si Bang or si Bung?

eh yung Planet Op Di Eyps? Nakakamiss ang pag uungguyan nila Matsotso at Bardagol, ano?

hay. ah saya. kahit na hindi ko alam kung alam nyo ba yung mga pinagsasabi ko. hindi naman halatang jologs na ko bata pa lang di ba? malay ko ba sa mga DC, Marvel o Archie na yan.

hinding hindi ko pagpapalit yung mga pinoy komiks na hahawa yung tinta sa kamay mo tapos yung may kakaibang amoy at may maligasgas na papel.

may funny komiks pa kaya ngayon?

eniwey, nasan na nga ba tayo kanina? ayun! ano nga ba ang kablogblog na mga kaganapan? pero alam mo wag na lang. ok na to.

babyburn at 6:38 PM

3comments


Friday, October 07, 2005

kamusta?

paumanhin sa aking mga tagasubaybay (kung meron man) dahil sa pabugso bugsong updates ko dito sa aking blog. sadyang ngayon lamang ako nakahinga ng maluwag sa aking trabaho.

ano nga bang mga nangyari?

nangibang bansa ang aking kabiyak at bumalik na rin galing japan.

nangibang kumpanya na rin ang aking kaisa isang kagrupo at puno na si bede.

nagbasakali sa ibang kumpanya, natanggap at nagpasyang huwag muna ituloy ang paglipat.

masaya naman ako sa aking desisyon.

malaki na si sam. nagkasakit. gumaling. sanay na magbasa ng maiikling kwento. sanay ng magbilang ng 1 to 109.

sinubukang mag no carb diet. tumagal ang dalawang linggo. nabawasan ng dalawang kilo. ngayon balik na naman. hehehe

nag apply ng clearance sa UP. hindi diploma. hindi rin transcript. clearance pa lang po.

nahumaling sa pinoy big brother.

yun lang. mahirap ng bigyan ng detalye dahil ilang linggo na rin naman ang lumipas. madaming nangyari. madaming biyaya. madaming desisyon. madaming natutunan. madaming dahilan para maging masaya.

masarap mabuhay.

babyburn at 3:05 PM

4comments


Wednesday, August 17, 2005

kagimik




the best gimiks i have had were the ones with sam and jay. and when i say gimik with them, i don't mean the typical family picnic on a sunny saturday afternoon. no. it's the friday night dates with jay... plus sam. yup. think 10 in the evening up until midnight watching last full shows and having late night coffee. yup, sam likes coffee.





come to think of it, she pretty much likes whatever we like. reading books, watching movies, eating out, staying up late. soon enough she'd be programming like a pro...not!hahaha! but seriously, sam is slowing becoming...like us. a little me. a little jay.




babyburn at 12:14 PM

4comments


Thursday, August 11, 2005

malamig

alas seis y media na. uwian na naman. nak ng tokwa naman o. malakas na naman ang ulan.

kapag yata tumatanda ka hindi ka na natutuwa sa ulan.

nung bata pa ko masaya ko pag umuulan kasi walang pasok o kaya maglalaro kami sa ulan ng mga kalaro ko o kaya matutulog na lang o gagawa ng bangkang papel saka magkakarera sa kanal o magluluto yung nanay ko ng tsampurado... basta ang daming masasayang pwedeng gawin.

eh ngayon...

kapag umuulan ang naiisip ko kaagad ay trapik o yung mahabang pila sa fx o yung pagsugod ko sa ulan kasi hindi ako nagdadala ng payong.

ewan ko ba. hindi talaga ako mapagdala ng payong. siguro kasi feeling ko swerte ako at hindi aabutan ng ulan o kung abutan man, nasa loob na ko ng sasakyan. at hanggang ngayon palihim pa rin akong humihiling na sana somewhere out there ay may nag aalala kung mababasa ako at sunduin ako. nagbabakasakali baga. pero sadyang mailap ang tadhana. no such luck ika nga...

ayan nagiging pathetic na naman ako. o sige na nga. makaalis na.

at ng makabili ng payong.

babyburn at 5:47 PM

5comments